Sa paghaharap nina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr at United States President Joe Biden ay inihayag ng White House ang planong pagpapahusay ng mga kakayahan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sa ibinahaging Fact Sheet ng White House; Investing in the Special Friendship and Alliance Between the United States and the Philippines , inihayag ng US ang layon na ilipat sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang dalawang Island-class patrol vessels, dalawang Protector-class patrol vessels, at tatlong C-130H aircraft, habang nakabinbin ang mga kinakailangan sa notification ng Kongreso .
Bukod pa rito, dalawang Cyclone-class coastal patrol vessels na ang inilipat sa Pilipinas noong huling bahagi ng Abril, at ngayon ay patungo na sa Maynila. Ang mga paglilipat na ito ay suporta sa programa ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng pagpapahusay sa mga kakayahan nito sa maritime at tactical lift.
Ayon kay Biden ; he could not think of better partner for the US than the Philippines. Nangako rin si Biden na patuloy na susuportahan ng Amerika ang modernisasyon ng militar ng Pilipinas.
Bukod dito, sinasabing ang mga EDCA Site ay magsusulong naman ng sustainable Development at Investment sa mga local community. Ang Estados Unidos ay nakikipagtulungan sa mga komunidad sa paligid ng mga EDCA site upang maisakatuparan ang mga kahalagahan para sa pag-unlad at humanitarian assistance. Sa layuning iyon, palalawakin ng United States ang gawain sa mga komunidad upang suportahan ang kalusugan, edukasyon, proteksyon sa kapaligiran, pagpapalago ng ekonomiya, at paghahanda sa sakuna.
Pinag-usapan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Joe Biden ang mas matatag na alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa kanilang ginanap na one day official working visit sa White House.
Sa one-on-one meeting iginiit ni Marcos Jr. ang kahalagahan ng patuloy na pagpapatatag ng alyansa at partnership ng mga bansa.
Sa gitna ng mga hamon, natural lang aniya para sa Pilipinas na tumingin sa Amerika na nag-iisang treaty partner nito sa mundo, patatagin ang relasyon ng 2 bansa at linawin ang magiging papel ng mga bansa sa gitna ng mga tensiyon.
“There are also issues, geo-political issues that make the region where the Philippines is possibly, arguably, the most complicated geo-political situation in the world right now,” ani Marcos.
“So it is only natural that the Philippines look to its sole treaty partner in the world to strengthen and to redefine the relationship that we have and the roles that we play in the face of those rising tensions that we see now around the South China Sea, and the Asia Pacific and the Indo-Pacific regions,” aniya.
“The United States also remains ironclad in our commitment to the defense of the Philippines, including the South China Sea. And we are going to continue to support the Philippines’ military modernization goals,” pahayag naman ni Biden.
Muli namang siniguro ni Biden na nananatiling iron clad ang pangako ng US sa Pilipinas na depensahan ang bansa, kabilang na sa South China Sea, sa gitna ng umiigting na tensiyon sa rehiyon.
Inanunsyo rin ni Biden na magpapadala siya ng isang presidential trade and investment mission sa Pilipinas, na tinawag niyang “first of its kind.”














