Latest News

KAHON-KAHONG PUSLIT NG SIGARILYO, NASABAT SA SULU

By: Victor Baldemor Ruiz

NASABAT ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang nasa ?280,000 na halaga ng mga pekeng sigarilyo sa lalawigan ng Sulu.

Ayon sa PNP-PRO Bangsamoro Autonomous Region, inabandona ng mga smugglers ang mga puslit na kontrabando matapos na makitang papalapit na ang mga tauhan ng Indanan Municipal Police Station na nanguna sa isinagawang operation.

Ang mga nasabing kontrabando ay nakalagay sa mga malalaking kahon, na pinaniniwalaang ibiniyahe gamit ang sasakyang pandagat, mula Indonesia.

Hinihinalang dumaong sa isang pantalan sa bayan ng Indanan ang pinagsakyan ng smuggled cigarettes at sa bayan ding ito ibebenta.

Maliban sa intel ng PNP, naging malaking tulong din umano ang impormasyon na ibinahagi ng mga residente sa PNP lalo na at sila ang unang nakakita sa dumaong na bangka.

Ayon kay Indanan MPS PMaj. Edwin Catayao Sapa, hindi bababa sa P10- milyon na halaga ng imported na mga sigarilyo ang kanilang nasabat at nakumpiska sa kanilang mga serye ng operasyon sa nakalipas na taon.

Tags:

You May Also Like

Most Read