KAHIT ISANG BOOSTER SHOT LANG PARA SA UNDAS — DOH

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) , ang publiko na magpaturok kahit isang booster shot kung bibisita sa sementeryo sa panahon ng Undas.

Ayon kay DOH Officer In Charge Maria Rosario Vergeire ito ay para magkaroon ng proteksiyon sa pakikihalubilo sa maraming tao na dadagsa sa mga sementeryo partikular na ang mga senior citizen.


Sa kabila na niluwagan ang pagsusuot ng facemas sa mga outdoor mas makabubuti na magsuot pa rin ng facemask bilang proteksiyon.

Kaugnay nito, posibleng maipamahagi na ng DOH ang may P1.04 bilyon halaga ng special risk allowance mula sa Department of Budget ang Management(DBM) sa susunod na linggo.

Ito ay kasunod nang ginawang pagbibigay ng taning ni Senador Raffy Tulfo sa DOH hanggang sa Disyembre nitong 2022 na.maipamahagi ito sa mga healthcare workers. (Philip Reyes)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like