Opisyal na binuksan ang “Kadiwa” sa loob ng New Bilibid Prison(NBP) sa Muntinlupa City.
Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gregorio Catapang, Jr. sa laging Handa briefing,na layunin nito na mapagbentahan ng murang pagkain tulad ng prutas at gulay ang mga person deprived of liberty (PDL) at mga empleyado ng BuCor.
Inianunsiyo rin ni Catapang ang. plano na ipakilala ang “Pambansang Bagsakan ng Bigas Para sa Mamamayan,” sa pakikipag- ugnayan sa Department of Agriculture (DA).
Layunin umano nito na makapagtatag ng mas malaking Kadiwa pop-up stores na magsisilbi sa buong lugar ng Muntinlupa at southern Metro Manila.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marco, Jr, .intensiyon umano nito na magkaroon ng mga Kadiwa outlets sa mga liblib na lugar.