Latest News

Kadena ng aso, ginamit sa pagbibigti

WALA nang buhay nang makita ng kanyang kapatid ang isang 28 anyos na lalaki na nagbigti ,gamit ang kadena ng aso,kamakalawa ng gabi sa Punta,Sta.Ana,Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PCplArvin Bautista,ng Manila Police District-homicide section,may unang pagkakataon na nagtangkang magpakamatay ang biktimang si Eleazar Aribe,taga 1708 Road 3,Bagong Sikat St.Punta,Sta.Ana,Maynila mula nang makipag break ang kanyang kasintahan.

Alas 4:50 ng hapon nang maduskubre ni Darwin Arcibe,kapatid ng biktima ,ang ginawang pagpapakamatay ni Eleazer.

Nabatid na papasok sana ito sa kuwarto para kunin ang kanyang sim card pero nagtaka siya kung bakit naka lock ang pinto at nang silipin ay nakita niya na nakabigti ang kapatid gamit ang kadena ng aso.

Kaagad umano siyang humingi ng tulong sa kanilang mga kamag anak at puwersahang binuksan ang pjntuan para maibaba ang biktima.

Samantala,natagpuan rin walang buhay si Jayson Pacuan,32,truck assistant at residente ng 2515 Radium St.San Andres Bukid,Maynila matapos na magbigti gamit ang cablewire,alas 5:10 ng umaga.

Nabatid sa kinakasama ng biktima na si April Oliva,nagising siya na wala sa tabi ang kinakasama at nang hanapin ay nakita na nakabigti sa kisame ng kanilang bahay.

Nalaman na bago nagpakamatay ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima ang kasama nito dahil sa kawalan ng regular na trabaho ng biktima. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read