Arestado ang isang 25-anyos na lalaki matapos gawing punching bag,ang kanyang kinakasamang babae kamakalawa ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.
Nakadetine sa Manila Police District -Station 3,ang suspek na si Vergel Ramiro, ka-live in ng biktimang si Rocel Hababag, 32.
Sa imbestigasyon,naganap ang insidente alas 10:30 ng umaga sa #1697 LRC Compound, Sunflower St., Brgy. 310, Sta. Cruz, Maynila.
Nabatid na nagtalo ang magka-live in sa di malamang dahilan at sa galit ng suspek ay sinuntok nito ang biktima sa ulo, tinadyakan sa likuran at sinabihan ng “ulol ka” bago sinuntok sa tiyan saka umalis.
Inireklamo ng biktima ang suspek sa barangay at 11:45 ng gabi nabg maaresto ng
mga nagpapatrulyang Barangay Public Safety Officers (BPSO) ang suspek.
Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and their Children sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek.