Latest News

KA LEODY DE GUZMAN PINAPUTUKAN SA PULONG, 4 SUGATAN

KINUMPIRMA ni Presidential candidate Ka Leody de Guzman ng Partido Lakas ng Masa na may apat na taga-suporta niya ang nasugatan nang paputukan sila habang nakikipag-pulong sa mga tribe leaders ng Manobo-Pulangiyon sa Bukidnon kahapon.

Sa kanyang Twitter post, kinilala ni Ka Leody ang mga nasugatan na sina Nanie Abela, isang farmers and farmworkers’ organizers sa Mindanao at isang hindi pa nakikilalang leader ng Manobo-Pulangiyon tribe.


Ayon kay De Guzman, kabilang sa mga nasugatan ay ang katabi nitong si Ka Nanie at mga Manobo tribe na sina Datu Arroyo, isang nagngangalang Ager at si Robert Nabatian na pawing nasa isang pagamutan sa Maramag, Bukidnon .

Ani De Guzman, may nagpaputok habang nakikipagpuulong siya sa ilang indigeneous groups sa Barangay Butong sa bayan ng Quezon ng nasabing lalawigan para alamin ang kanilang mga suliranin partikular sa usapin ng “land grabbing”.

Sinasabing nais na umano ng mga tribu na lumipat sa bakanteng lupa na bahagi ng kanilang 900 hectares ancestral domain ng mga Manobo ngunit ayaw silang payagan ng mga private armies ni Quezon, Bukidnon Mayor Pablo Lorenzo III na umano’y umaangkin sa lupain .


Sinasabing taong 2018 pa nang nabigyan umano ng certification ng NCIP national ang mga Manobo na pag-aari nila ang lupa at may kautusan na rin sa alkalde na ibigay sa tribu ang lupa ngunit hindi umano ito ginawa hanggang sa kasalukuyan.

“Salamat sa mga nag-alala. Ako po at sila kasamang Roy Cabonegro at David D’angelo ay ligtas,” Sina Cabonegro at D’Angelo ay kapwa nasa senatorial ticket ni de Guzman.


“Ang tinamaan ay ang nasa tabi ko, si Nanie Abela, na organizer ng mga magsasaka sa Mindanao. Casualty rin ang isang lider ng tribong Manobo-Pulangiyon,” pahayag ni De Guzman sa kanyang Twitter account.

Kinukumpirma naman ng mga awtoridad ang pahayag ni D’Angelo na isang lalaki na armado ng shotgun ang siyang nagpaputok at mayroong apat na katao ang tinamaan.


Nanawagan naman si Ka Leody ng kapayapaan sa Mindanao. (Victor Baldemor)

Tags: Ka Leody de Guzman

You May Also Like