INIHAYAG ng International Testing Agency (ITA) noong Huwebes na bagsak si ang Gilas player na si Justin Brownlee sa kanyang doping test sa 19th Asian Games.
Ayon sa ITA, ang sample na nakolekta mula sa naturalized player ng Gilas Pilipinas ay lumabas na may “adverse analytical finding para sa Carboxy-THC,” isa sa substance na ipinagbabawal sa listahan ng World Anti-Doping Agency.
Sinabi ng ITA na ang sample ay nakolekta noong Oktubre 7, kung saan ang sample collective authority ay ang China Anti-Doping Agency.
Ipinagbigay-alam na ng ITA kay Brownlee tungkol sa resulta at siay ay binigyan ng “may karapatang humiling ng pagsusuri sa mga B-sample.”
Is pang nabigo sa doping test ay si Sami Bzai ng Jordan na nakolekta ang kanyang sample noong Oktubre 7.
Ayon sa ITA, lumabas sa resulta ni Bzai ay naglalaman ng dehydrochloromethyl-testosterone metabolite, isang ipinagbabawal din na sangkap ayon sa listahan ng WADA.
Ang mga sample nina Brownlee at Bzai ay nakolekta isang araw matapos ang laro ng Pilipinas at Jordan para sa gintong medalya sa Asian Games na napagwagian ng Gilas Pilipinas sa puntos na 70-60.
Isinangguni na umano ng ITA sa resulta sa Anti-Doping Division ng Court of Arbitration for Sport (CAS).
Si Brownlee ang pangalawang atleta ng Pilipinas na bumagsak sa doping test pagkatapos ni Ariana Evangelista ng cycling, na isinailalim sa provisional suspension ng ITA.
Ang mga resulta ng doping ng ITA kay Brownlee ay maaaring maglagay sa kanya sa panganib na masuspinde nang hindi bababa sa dalawang taon.
Samantala, sinabi naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Philippine Olympic Committee (POC) na maaaring hindi namamalayang nakainom si Justin Brownlee ng gamot na naglalaman ng cannabis habang nagpapagaling sa United States kung saan inoperahan siya para tanggalin ang bone spurs sa kanyang paa.
Sinabi ng SBP na maaaring nagmula ito sa mga gamot na inireseta sa kanya sa US, kung saan ginawang legal ng ilang estado ang cannabis para sa paggamot.
Ang marijuana, bilang isang paraan ng therapy, ay legal na ngayon sa maraming bahagi ng mundo kasama na ang Thailand.
Si Brownlee ay nagsasanay kasama ang Gilas sa para sa Fiba (International Basketball Federation) World Cup, kung saan ang bansa ay kasama sa grupo ng Indonesia at Japan.
Nag-excuse noon si Brownlee sa huling bahagi ng Hulyo matapos kumpirmahin ni Jordan Clarkson, ang half-Filipino na naglalaro para sa Utah sa NBA, ang kanyang partisipasyon sa 32-national spectacle na kalaunan ay napanalunan ng Germany.
Kaya naman ang resident Barangay Ginebra import sa PBA ay nagpasyang sumailalim sa surgery para tanggalin ang bone spurs na kanyang iniinda at alam niyang maaaring i-tap bilang kapalit niya si Clarkson para sa Asiad.
Kahit pa may injury ay naglaro pa rin si Brownlee sa Cambodia Southeast Asian Games kung saan nakuha ng Pilipinas ang ginto laban sa host country.