Nagpositibo na rin ng COVID 19 si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at kinakailangan na mamahinga umano ito sa kanyang trabaho.
“I have COVID. Tested positive Thursday”,ayon sa mensahe ni Remulla sa mga mamahayag.
Nabatid kay Remulla na mild lamang ang dumapong COVID-19 sa kanya.
“Very mild. But protocol is 7 days,”ani Remulla kung saan kinakailangan na mag- isolate muna siya ng pitong araw.
Sa sandaling matapos ang isolation, muli umanong magpapa-swab test si Remulla.
Una nang nagpahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na siya ay positibo sa COVID 19. (Philip Reyes)














