Wala nang buhay nang madiskubre ng kanyang helper ang isang junkshop owner matapos na magbigti dahil sa iniindang sakit sa puso ,kamakalawa ng hapon sa loob ng kanyang bahay sa Gagalangin,Tondo,Maynila.
Kinilala ni PCpl Sir Christian Joseph Pineda,ng Manila Police District-homicide section,ang biktimang si ‘Richard’ ,45,junk shop owner, at taga Caloocan City.
Sa imbestigasyon,alas- 2:15 ng hapon nang makitang nakabigti ang biktima ni Edison Bucgang,helper ng biktima sa junk shop nito sa Gagalangin,Tondo.
Ayon kay Bugcang,pumasok siya sa loob ng bahay para humingi ng pambayad sa metal scrap na ibinenta sa kanila pero laking gulat niya nang makitang nakabigti ang biktima gamit ang kulay brown na nylon cord.
Kaagad na kinalas ni Bugcang ang lubid at mabilis na isunugod ang biktima sa Ospital ng Tondo pero hindi na naisalba ng mga doktor sa pagamutan.
Ayon kay Bugcang,may iniinda umanong sakit sa puso ang biktima.














