Latest News

JUNIOR OFFICERS, DI LIGTAS SA PURGING NG DILG — PNP

HINDI pa lusot ang hanay ng mga junior officers ng Philippine National Police sa ginagawang paglilinis ng Department of Interior and local Government at ng PNP sa kanilang organisasyon dahil isusunod na isasalang sa imbestigasyon ang mga second-level officer.

Ayon kay PNP Chief Rodolfo Azurin, Jr., susunod na isasailalim sa internal cleansing ang mga second-level officer oras na natapos na ang gagawing pagsusuri ng itatatag na five- man probe team sa record ng mga third-level officer na nagsumite ng kanilang courtesy resignation.


Kabilang sa mga second level police officers ang mga lieutenant colonel hanggang executive master sergeant.

“After this exercise, definitely we will go down to the next level, which is we really need to engage our second-level officers kasi sila yung mga nasa ground eh,”ani Gen Azurin.

Nabatid na 97 porsyento ng third-level officers ng PNP ang nagsumite na ng kanilang courtesy resignation letters, bilang bahagi ng pagsisikap ng PNP na malinis ang kanilang hanay sa mga sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.


Ayon kay Azurin, pagpapakita lamang ito ng katapangan ng mga koronel at heneral na kumasa sa hamon ni Secretary of the Interior and Local Government Atty. Benjamin Abalos, Jr., na linisin ang hanay ng Pambansang Pulisya partikular sa iligal na droga

Kahapon ay ibinunyag nito na 24 na mga koronel at heneral pa ang hindi naghahain ng kanilang courtesy resignation kung saan dalawa sa mga ito ay pawang heneral at lima ang koronel na magreretiro ngayong 1st quarter ng taon. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Philippine National Police

You May Also Like