AYON kay Julia Montes, dream project niya ang makapareha si Alden Richards.
And wishes do come true..
Dahil first time na magsasama sa isang movie sina Julia at Alden sa “Five Break-ups and a Romance.”
Masaya ang Kapuso actor na makakapareha niya si Julia after nila ni Kathryn Bernardo.
“It’s been a while since my last film in 2019. Noong nilatag pa lang sa akin ‘to, na-excite ako sa idea of being paired with Julia (Montes) because I know how brilliant of an actress she is, ” excited na kuwento ni Alden.
“Noong nalaman ko po siyempre, nagulat talaga ako. I’m honored and happy to work with him. Kahit hindi pa kami masyadong matagal nagsho-shoot, na-realize kung bakit Alden Richards is Alden Richards,” say naman ni Julia.
“Ito ang matatawag ko talagang dream project. Hindi ko inexpect na sa akin ipagkakatiwala yung role. To be with Alden also with direk Irene (Villamor) na hindi ko in-expect na makaka-work kasi I’m a hopeless romantic kind of girl so pag nanonood ako ng film, what if kaya pine-play ko ‘yung ganyang role?.
“Laging ganun lang ‘yung mindset ko. Hindi ko ini-expect na eventually time will come ito pala ‘yung year na ‘yun na gagawa ako ng ganung film,” ” dagdag pa ng aktres.
Tinanong ang aktres kung ano ang pakiramdam na nagko- collab na ng mga project ang ABS-CBN at GMA-7.
Ani ng aktres: “Siguro ang sarap sa pakiramdam, sana ganun tayo in life, hindi lang sa network, ‘yung lahat tayo open, walang wall, walang restriction kasi hindi mo masasabi ang buhay eh.”
“Kapag tulungan, ang dami mong maa-achieve. With teamwork ang dami mong maa-achieve. Ito ‘yung perfect example, lalo na sa project na ‘to two big companies nagtulungan and another big company nagsama-sama, alam mo ‘yun, ‘yung talaga teamwork,” dagdag pa ng rumored girlfriend ni Coco.Martin.
Say naman ng Kapuso.actor: “Maganda na rin po ‘yung nangyayari ngayon na ABS-CBN and GMA have been very vocal with the partnerships that they are going into, parang mas lumawak ‘yung opportunities especially for us actors. Ngayon kasi ang common goal na is to give world class entertainment at mapakita natin na Filipino talent has what it takes to compete with international outfits as well.”