JULIA MONTES NAG-ARAL NG SIGN LANGUAGE PARA MAKAUSAP ANG INA

By: Beth Gelena

NAIKUWENTO ni Julia Montes na prehong deaf-mute ang mga magulang.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit sa kanyang paglaki ay hirap siyang mag-express ng kanyang saloobin.

Natuto naman daw siya ng sign language upang makausap ang ina at maipaliwanag ang pinag-uusapan sa paligid nila.


Bago pa naman pinasok ng aktres ang showbiz ay naibahagi na niya ang kanyang mga pinagdaanan.

Nakapanayam ni Bernadette Sembrano sa kanyang YouTube channel si Julia at aniya: “Kaya siguro din, growing up, hirap akong mag-express. Napansin nila recently na ayan ‘pag nagasasalita ako may hand gestures. Kasi growing up, i-explain ko kay mama”

Sinikap daw niyang matuto ng sign language upang makausap ang ina at maipaliwanag ang mga nangyayari sa tuwing kasama niya ito.

“Kunwari ngayon nag-uusap tayo ta’s andiyan si Mama, kailangan ko i-explain thru sign language para ma-appreciate niya,” paliwanag ni Julia.


Tags: Julia Montes

You May Also Like

Most Read