NAKAKAINTRIGA ang cryptic post si Julia Montes sa kanyang social media account.
Patungkol ito sa isang taong natulungan niya noon at ngayon ay bina-back fight siya.
Sa kanyang Instagram account nag-upload ng cryptic quote card ang aktres tungkol sa mga taong “bringing others down.”
Kaya ang post ni Julia with the quote card ay naging usap-usapan ng netizens.
“Alam mo kung sino ka,” say ng aktres.
“Tinutulungan mo noon! Sinisiraan ka na ngayon! Saklap diba!” aniya sa kanyang Instagram story na viral ngayon.
Walang tinukoy na pangalan ang aktres at ang tanging sinabi: “Oo, ikaw, alam mo kung sino ka. Wag post ng post. Mga tao talaga.”
Bihirang mag-comment ang aktres na kilalang mabait na tao at malawak ang pasensiya.
Malamang ay napuno na rin ito kaya dinaan sa cyptic message ang galit niya kung sino man ang taong ito.
Palaisipan pa rin sa netizens kung celebrity ba ito o isang taong pinagkakatiwalaan niya.














