Ang daming netizens ang kinilig sa birthday message ni Julia Barretto sa boyfriend na si Gerald Anderson.
Pinost ninJulia ang sweet photos nila ni Ge sa kanyang Instagram account.
Simpleng mensahe pero very touching message ang pagbati ni Julia.
“The kindest, most selfless person. Happy birthday, love,” aniya.
Noong unang na-link sa isa’t isa ang celebrity couple ay maraming agad na humusga sa kanila.
Nariyang si Julia ang dahilan kaya nag-break sina Gerald at Bea Alonzo.
Pero, pinagtanggol ng aktor ang young aktres.
Nang inamin ni Getald kay Boy Abunda ang relasyon nila ni Julia, inamin din niyang nasaktan siya sa break-up nila ni Bea.
“Being together we were very toxic, and hindi nirerespeto yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months and months of being on the rocks at medyo away.. I mean yun lang,” say niya noon sa panayam ng King of Talk.
Taon din bago naging panatag ang relasyon ng JuRald.
Tinanggap na nila ang relasyon ng celebrity couple dahil nakita naman ng netizens kung papano mag-give and take ang couple.
Sa ngayon, kasal na lang ang kulang sa JuRald dahil magkasundong-maglasundo ang kanilang pamilya.
Komento nga ng isang netizen: “A son who knows how to take care of his mom will be a great husband”
“Maswerte si Julia kay Gerald.good provider siya.”
May nagkomento pang “siguro ang laki ng pagsisisi ni Bea Alonzo nang
pakawalan si Gerald. Nagkamali siya ng desisyong makipaghiwalay sa aktor”