DEDMA lang si Julia Barretto kapag may nagtatanong kung ilang digits ang kanyang TF bilang 2024 calendar girl ng isang unumin.
Ngiti lang ang sagot ng dalaga.
Anong binili mo para sa sarili mo for this project?
“Reward? Umm… Di ko pa naisip yun eh. It’s a good question. Baka next year na lang for my birthday. Yeah, malapit na rin yon. Ano kaya? Bakasyon? Travel? I don’t know pa, hindi ko pa alam. Gusto ko pa siyang i-save. Hindi ko pa siya gagalawin for now,” sagot ng girlfriend ni Gerald Anderson.














