SINABI kay Julia Montes, if magche-cheat daw ang kanyang partner, kaya pa rin daw niya itong patawarin.
Na-interbyu sa “Magandang Buhay” ang aktres kasama ang Kapuso actor na si Alden Richards.
Tinanong sila kung ano ang masasabi nila sa cheating sa isang may karelasyon.
Na-surprise si Alden sa answer ng aktres na mapapatawad pa raw niya ito.
Paliwanag ni Julia: “Wala namang perfect. In a relationship, mayroong isa, hindi ko naman nilalahat, baka dalawa kayong nagkamali for a time. Pero hindi naman necessarily na kapag nagkamali sa iyo ay hihiwalayan mo na agad.”
Tatanungin daw niya ang sarili: “May pagkukulang ka ba kaya nangyari ‘yon?”
Pero, magkaiba raw iyon dun sa partner na muling inulit ang cheating.
“So parang feeling ko cheating kapag ilang beses na — too much. Pero kapag ‘yung nagkamali, nadapa, well ako ang mindset ko lang kapag nadapa ba ang isang tao, sino ang gusto mong magtayo sa kanya? ibang tao na? Ibang babae na o ikaw pa rin na partner?”
Na-amaze si Alden sa sagot ng leading lady niya sa “Five Breakups and a Romance.”
Aniya, first time lang daw niyang nakarinig sa isang co-star na may ganoong pananaw sa “pangangaliwa.”
Ang say naman ni Alden ukol sa topic: “Ako naman may point of view naman diyan, when you get into a relationship, alam mo kung ano ang papasukin mo, alam mo ang commitment mo sa partner mo and both of you should know. Ngayon ko lang kasi narinig lumabas kay Juls ‘yon. Pero tama eh na ‘yun nga kapag nadapa ba ‘yung partner mo hahayaan mo ba na iba pa ang magtayo? Ganun kasi kapag nasa isang relationship ka o any commitment in your life, mas maganda na ginawa mo na lang lahat ng kaya mong gawin. Ngayon kung hindi mag-work ay no regrets on your part.”