Latest News

Judiciary ePayment System tatanggap na ng GCash atGrabPay

Tatanggap na ng bayad mula sa G-Cash at Grab Pay para sa mga “judiciary e-payment.

Ito ay makaraang idagdag ng Supreme Court(SC) sa pakikipag partner sa
UnionBank of the Philippines, ang GCash at GrabPay sa Judiciary ePayment System (JePS) payment channels

Layunin umano nito na gawin mas.komportable ang pagbabayad ng court fees online.

Nabatid na ang JePS ay isang platform kung saan pinapayagan ang assessment at pagbabayas ng legal fees at iba pang koleksiyon sa hudikatura sa mga komportableng paraan.

Maari umanong pumunta ang litigants sa JePS platform sa https://epayment.judiciary.gov.ph/.

Maari umanong i-click ng mga users ang ‘Go to Assessment Calculator’ button at sagutan ang mva.kailangan na detalye.

Kasunod nito pupunta ang users sa payment option kung saan maari silang makapamili kung saan nila kukunin ang kanilang pambayad.

Kabilang ba ang UnionBank online, FortunePay, GCash, GrabPay, InstaPay, at PesoNet,kasunod ito ay mag-iosyu ng resubo na maaring i down load at i-print ng mga users. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read