By: JANTZEN ALVIN
Balak ng Department of Justice (DOJ) na ireklamo sa Supreme Court(SC) ang ilang Judges sa Las Piñas courts na nagpalaya sa mga dayuhanGempleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) facility na sinalakay ng mga awtoridad noong Hunyo,2023.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, apaT na korte sa Las Pinas RTC ang aktibong pinagbigyan ang ‘habeas corpus’ petitions .
Inatasan umano ni Remulla,ang Bureau of Immigration (BI) na sampahan ng kaso ang mga naturang judges na pinagbigyan ang naturang habeas corpus petitions ng walang kaukulang “colatilla” .
Tinukoy ni Remulla na ang colatilla ay ang” clause” kasunod ng order of release sa habeas corpus petition na pumapayag sa pagpapalaya ng indibiduwal maliban na lamang kung may iba pang kaso para sa patuloy nilang detensiyon.
“Kasi dapat yan, pag meron kang foreigner na hinahawakan with violation of the Immigration law, dapat diyan merong colatilla ang kanilang pag-grant ng habeas corpus — unless they are being held for other lawful cause,” paliwanag ni Remulla.
“In that way, they’re ignoring the jurisdiction of the Bureau of Immigration and the Department of Justice with regards to illegal acts of aliens in the country. So we are filing cases against the judges so that we will find out if there is indeed gross ignorance of the law in what they did, in granting the habeas corpus petitions,” dagdag ni Remulla.
Napag-alaman na may 2,000 POGO workers ang inaresto sa pagsalakay noong Hunyo at mahigit sa kalahati ang dayuhan.
Matapos pigilin sa Hong Tai compound sa Las Piñas,naghain ang mga dayuhan ng ‘habeas corpus’ petitions sa Las Piñas courts at sa Court of Appeals.
Ang ” petition for the issuance of a writ of habeas corpus” ay isang remedyo laban sa illegal confinement o detention at inaatasan nito ang public official na ipakita sa korte ang tao at patunayan kung bakit siya dapat na idetine.
Sa desisyon ng CA noong Hulyo 28, pinagbigyan nito ang habeas corpus petition ng apat na dayuhan matapos mabatid na nabigo ang mga pulis na magprisinta ng search warrant.
Ipinunto ni Remulla na ang ruling ng CA ay base sa colatilla, hindi tulad ng ginawang ruling ng Las Piñas courts.
“Sa (In the) CA, they granted the habeas corpus petitions but with a colatilla — unless they are being held for other lawful cause. That is what should be in all the Las Piñas decisions. But here, there seems to be an ignorance of it. A matter that the courts should not step into issues where sovereignty of the country is invoked, especially an issue that is important to us at this point,” dagdag pa ni Remulla.
Sinabi ni Remulla na plano nilang sampahan ng kasong administratibo sa SC ang mga nasabing judges dahil sa ‘ignorance of the law.’
Ayon pa kay Remulla, kukunin nila ang atensiyon ng SC sa ganitong asal kung saan pinaglalaruan ang justice system.
Nabatid na may 600 dayuhan na ang nakalaya sa pamamagitan ng “release on recognizance ” o nangangahulugan na sila ay pinalaya nang hindi nagpipiyansa habang 699 pa ang nasa POGO Compound.
Magugunitang binatikos ni Remulla ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sa gunawang raid noong Hunyo 26 dahil sa kawalan ng koordinasyon sa DOJ Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at sa pagsusulong ng raid kahit kulang ng ebidensiya.














