Judge, sinuspinde ng SC

Pinatawan ng 30 araw na suspensiyon, ang isang Hukom ng Manila Metropolitan Trial Court dahil sa “inappropriate remarks” o hindi tamang pahayag habang nasa korte.

Ayon sa 18-pahinang desisyon isinulat ni Justice Alfredo Benjamin Caguiao,sinuspinde si MeTC Branch 26 Presiding Judge Jorge Emmanuel Lorredo sa loob ng 30 araw nang walang bayad dahil sa kasong “less grave offense for simple misconduct,” at pinagmulta rin ng P50,000 dahil sa “simple misconduct at conduct unbecoming of a judge.”


Pinagbasehan ng SC ang findings at rekomendasyon ng Judicial Integrity Board na nakitang “administratively liable” si Lorredo dahil sa kanyang “homophobic” na pahayag.

Nalaman na noong 2019, naghain ng reklamo ang mga litigante na sina Marcelino Espejon at Erickson Cabonita laban sa Hukom.

Ito ay matapos na magpakita umano ng “bias at partiality” ang hukom sa mga litigant at sa kanilang sexual orientation sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagtatanong kung sila ba ay “homosexuals” at sinabihan pang “sin” o kasalanan ang homosexuality sa isang preliminary conference.


Ayon sa SC , ang katulad na pahayag na “homophobic slur” o panunuya ay walang lugar sa mga korte.

Nilabag umano ng Hukom ang New Code of Judicial Conduct, na nag-oobliga sa mga hukom na tiyakin ang patas na pagtrato sa lahat sa korte, at unawain ang mga pagkakaiba — ito man ay sa lahi, kasarian, relihiyon, edad, sexual orientation, at social/economic status.


Sinabi pa ng SC na ang ginawa rin ng hukom ay paglabag sa Civil Service Commission resolution 01-0940 o Administrative Disciplinary Rules on Harassment cases. (Jaymel Manuel)


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like