By: JANTZEN ALVIN
DAHIL sa pagkaantala na resolbahin ang isang’ Prayer for Writ of Preliminary Injunction” sa kanyang sala, pinagmulta ng Supreme Court ng mahigit sa P200,000,ang isang Hukomd na nakatalaga sa Antipolo City.
Ayon sa desisyon ng SC En Banc na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, napatunayan na si Presiding Judge Miguel S. Asuncion ng Branch 99, Regional Trial Court, Antipolo City, Rizal (RTC), ay guilty sa ‘gross neglect of duty’ at pinagmulta ng P201,000, matapos na umabot ng pitong taon para maresolba ang isang prayer.
Napag-alaman na si Rolly C. Castillo at iba pang stallholders ay naghain ng reklamo para humingi ng danyos laban sa Princeville Construction and Development Corporation and Engineer Alfred Figueras sa Regional Trial Court (RTC).
Ayon sa plaintiffs ,puwersahan umano silang inalis sa New Cubao Central Market na matatagpuan sa Cainta, Rizal, para makuha ang palengke.
Noong Abril 1, 2016, si Judge Asuncion ay nagsagawa umano ng hearing pero Abril 11, 2023 na nang ibasura nito ang preliminary injunction.
Sanhi nito ay naghain ng reklamo si Castillo laban sa Hukom sa Judicial Integrity Board (JIB) kung saan inirekomenda na si Asuncion ay napatunayang ‘guilty’ sa kasong ‘gross neglect of duty.’