By: JESSE RUIZ
NAGWAKAS na ang second Interagency Exercise (IAX 02-2026), na tinawag na “Pagsasanay Sanlakas, isang joint exercise sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG), na ginanap sa Eva Macapagal Super Terminal, Pier 15, Port Area, Manila, bilang paghahanda sa malalaking kalamidad gaya ng “The Big One” o “super earthquake.”
Dinaluhan ang pagtatapos ng pagsasanay nina PCG Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan, AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Rommel P. Roldan, PNP Deputy Director for Education and Training PBGen Romeo Ruel Berango at Exercise Director Rear Admiral Christopher M. Meniado.
Layunin nito na palakasin ng Philippine Coast Guard, AFP at PNP ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa iba’t- ibang emergency, kabilang ang kinatatakutang magnitude 7.8 na earthquake.
Isinagawa ng tatlong uniformed services ang Field Training Exercise (FTX) na may temang “BAYANIHAN: One Team, One Nation, One Response” upang palakasin ang koordinasyon, interoperability, command and control at kahandaan sa posibleng malawakang lindol.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, ipinamalas ng tatlong ahensya ang kanilang kakayahang magtulungan sa multi-hazard emergency scenario, kabilang ang mass evacuation, collapsed structure search, rescue and retrieval at maritime search and rescue operations.
Inihayag naman ni PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na tatlong araw ginawa ang pagsasanay, na nagsimula noong Setyembre 30 at nagtapos ngayong lingo.
Mahigit 530 personnel ang sumabak sa tabletop at field training exercises simulating a large-scale earthquake.
Nakapaloob sa pagsasanay ang search and rescue, humanitarian assistance, triage at maritime casualty evacuation para mapalakas ang kanilang coordinated disaster response sa kalupaan o maging sa maritime environments.














