JOHN RENDEZ, UMAMIN NA HINDI SIYA WELCOME SA BUROL AT LIBING NI ATE GUY

By: Beth Gelena

NAKAPANAYAM ni Julius Babao sa kanyang YouTube channel na “Unplugged” si John Rendez , in time 40 days ng pagpanaw ni Superstar at National Artist Nora Aunor.

Ibinahagi ng singer na naramdaman niyang hindi siya welcome sa burol at libing ni Ate Guy.


Ikinuwento niya na nandoon siya sa ospital noong pumanaw si Nora at inalala niya ang huling sandali kung saan hinawakan niya ang kamay ng aktres habang ito ay umiiyak.

Ayon kay John, nagulat sila sa biglaang pagpanaw ng Superstar matapos ang angioplasty na inakala nilang magiging maayos ang resulta.

Naging emosyonal siya habang nagkukuwento ng mga huling dasal at awitin sa chapel.


Sa kabila ng sakit ay sinisikap niyang mag-move on dahil aniya, mas naging malapit siya sa Diyos dahil sa pangyayari.

“Masakit ang pagkawala ng isang mahal sa buhay — lalo na kung ang iniwan ay hindi lamang isang kaibigan, kundi isa ring haligi sa iyong personal na paglalakbay,” maramdaming paglalarawan ni John sa pagpanaw ng National Artist.


“I’m moving on po, I’m trying to stay positive. Dealing with a loss of someone you love is never easy,” say ni John.

Aniya, may kapayapaang naidulot ang mas malapit niyang relasyon ngayon sa Diyos — isang bagay na kanyang kinapitan upang muling buuin ang sarili.


Ibinahagi rin ni John ang emosyonal na eksena sa ospital noong huling araw ni Nora.

“I remember holding her hand, thinking ‘This will be okay, it’s gonna be okay.’ And she was crying, I was singing to her,” kuwento niya.

Dumating din umano si Imelda Papin at ilang mga anak ni Nora upang samahan si Nora sa huling sandali.



Aniya: “They were singing ‘Praise the Lord’ and then, she was gone.”

Bagama’t tila naisantabi siya sa ilang bahagi ng burol at libing, hindi na rin masyadong binigyang-pansi ni John ang isyu.

Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay ang alaala ni Nora at ang panibagong direksyon na itinuturo ng Diyos sa kanyang buhay.

Si John ay isang rapper at aktor na matagal nang kaibigan at naging personal na kasama ni Ate Guy.

Sa loob ng maraming taon, naging malapit siya sa aktres at naging bahagi ng kanyang inner circle.

Kilala si John sa kanyang tapat na pagsuporta sa Superstar kahit sa panahong hindi na aktibo ito sa showbiz.

Tags: John Rendez

You May Also Like