JOHN LLOYD INAMIN NA GF SI ISABEL

KINUWENTO ni John Lloyd Cruz na ng dumating si Elias sa buhay niya ay iniligtas siya nito.

“Hindi ko ma-imagine yung buhay ko kung paano magtutuloy kung hindi dumating si Elias. Ang dami niyang ibinigay na bago. Bagong kahulugan, bagong duties, mga bagong… all of sudden, iba na yung tingin mo sa lahat,” pahayag ni John Lloyd sa Fast Talk With Boy Abunda.

Si Elias ay anak ni John Lloyd kay Ellen Adarna.


Sa ngayon ay co-parenting ang celebrity parent sa kanilang anak.

Pinasalamatan ni JLC ang mister ni Ellen na si Derek Ramsay dahil sa tulong nito sa pagpapalaki kay Elias.

Tanong ni Kuya Boy: “Are you happy?”

“Sobra! Lalo na today ang dami kong nakita mga tao. Wow, talagang naks!”


“Alam ko, paghiga ko mamaya, maganda itong araw na ito,” dagdag pa ni Lloydie.

Ano ang namana no Elias sa kanya?

Natawa ang aktor, at saka sinabi na ang pagiging reklamador ang isa sa kanyang mga ugali na ayaw niyang manahin ni Elias pero minana nito.

Inamin din ni Lloydie ang estado ng relasyon nila ni Isabel Santos.


“Si Isabel ay girlfriend ko. Boyfriend niya ako.”

Komento ng netizens: “Wow talaga sila pala! I’m so happy”

“Naalala ko tuloy yung interview ni Tito Boy sa kanya na umamin din sya na sila na ni Shaina”

“Sobrang lalim niya na. Wala mapiga na din sa kanya.”

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang aktor sa relasyon nila ni Isabel.

So far, masaya silang dalawa sa kanilang relasyon.

Tags: John Lloyd Cruz

You May Also Like

Most Read