Latest News

JOB VACANCIES NG DOH, TUMAAS, NASA 2,800 NA

By: Jaymel Manuel

Umabot na sa 2,800 mula sa 2,600 ang bilang ng job vacancies na iniaalok ng Department of Health (DOH) sa ginanap na job fair nationwide na bahagi ng aktibidad para sa ika-126 anibersaryo ng ahensiya.

Layunin umano ng DOH na makapag-recruit ng mas maraming healthcare workers.

Ayon sa DOH, matapos simulan ang job fair noong Hunyo 18 ay umabot na sa may 900 applications sa bansa ang kanilang natanggap at inaasahan na tataas pa ito sa pagpapatuloy ng naturang job fair.

Ang mga matatanggap na workers ay ilalagay sa 76 na operating units ,kabilang na ang DOH Central Office, Centers for Health Development (CHDs), DOH Hospitals at Treatment and Rehabilitation Centers (TRCs).

Sinabi ng DOH na mas mabuting pumunta nang personal ang mga aplikante sa job fair para sa on-the-spot interviews at immediate hiring na isinasagawa para mapaikli ang proseso ng recruitment.

Maari din umanong mag apply online sa mga bakanteng posisyon sa Civil Service Commission website, DOH Ejobs for Health website at iba pang platforms.

“As we continue to celebrate our 126th anniversary, we are adding more to our Job Fair and offering more opportunities for professionals to join the DOH. These additional positions reflect our commitment to enhancing healthcare services across the country. We encourage all qualified individuals to partake in this important initiative – dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga,” ayon kay Secretary Teodoro J. Herbosa.

Tags:

You May Also Like

Most Read