Latest News

JM WILLING MAGHINTAY SA ‘OO’ NI DONNALYN

By: Beth Gelena

IPINASILIP ng aktor na si JM de Guzman ang nakakakilig na first date nila ng nililigawan celebrity vlogger na si Donnalyn Bartolome.
Sa bagong vlog ng actor sa YouTube,  ibinahagi niya na matagal siyang naghintay bago napapayag  ang actress/vlogger  na lumabas kasama siya.
“Pumayag na siya. Matagal kong hinintay ‘tong araw na ‘to. Ilang beses ko na siyang tinanong tungkol sa date na ‘to. Simula Mayo 2022 pa lang, hindi ang lagi niyang sagot,” kuwento ni JM.
“Sinubukan ko sa ‘Can’t Say No’ challenge na ginawa gamin. ‘Can’t Say No’ pero nag-no pa rin siya,” aniya.
“Kung pagjging kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin, kuntento na ‘ko, makasama ko lang siya. Niligawan ko siya. Dalaw ako nang dalaw. Baka sakaling dumating ‘tung araw na pumayag na siya. Lumipas ang isang taon at dalawang buwan, Hunyo 2023, pumayag na siya,” kuwento ni JM.
Sa video, makikitang hinarana ni JM si Donnalyn sa bahay nito bago nag-date ang dalawa sakay ng isang private yacht.  Sinagot na ba siya ni Donnalyn?
“Hindi pa eh. Tagal ko nang nanliligaw. Baka naman? Siyempre, ‘pag may gusto kailangan ipaglaban,” aniya, pero  willing daw siyang maghintay sa “oo” ni Donnalyn.
Tags: JM de Guzman

You May Also Like

Latest News