NASAAN na nga ba si Jiro Manio, ang batang humakot noon ng awards dahil sa pagganap niya sa “Magnifico”?
Maraming nanghinayang kay Jiro dahil hindi niya minahal ang kanyang pag-aartista kung saan sumikat siya.
Nalulong sa masamang bisyo ang aktor na inamin niya sa interview ni Julius Babao.
Si Ai Ai delas Alas ang aktres na tumutulong kay Jiro, pero nagsawa na rin daw ang komedyanang aktres dahil bumabalik pa rin sa bisyo ang aktor.
Nakailang pasok sa rehab si Jiro, pero nagtagal siya sa Bataan at doon siya gumaling.
Ayon kay Jiro, wala siyang hinanakit kay Ai Ai nang tanungin siya ni Julius kung nagkaroon ba siya ng sama ng loob sa comedienne- actress.
Sa ngayon ay isa na siya sa co-facilitators ng DOH Treatment and Rehabilitation Center sa Bataan kung saan siya dinala noon.
Ito umano ang isa sa mga pinagdalhan sa kanya navrehab centers noong nalulong siya sa droga.
Ayon sa dating aktor, nami-miss niya ang pamilya.
Pero masaya siya dahil maayos na ang kanyang pamumuhay.
Noong 2020 nang masangkot sa away si Jiro kung saan nakasuhan pa umano siya ng frustrated homicide.
Kahit pa nami-miss niya ang pamilya, hindi rin siya makauwi dahil sa kanyang seguridad.
“Kasi baka hantingin ako or baka gumawa ng hindi maganda,” ayon mismo kay Jiro.
“Nagkaroon ng konting hindi pagkakaintindihan sa bahay namin. ‘Yun po yung maraming balita po ‘yun na gumamit ako ulit. tapos, yung epekto ng dr?gs tumama sa functions ko. Hindi ko maisipan, bakit ba ako nandito, Hindi e, wala e. yun ang trip ko. Lumalaban yung epekto ng dr?gs. Para pong lason. ‘Yun ang naging epekto sa akin,” kuwento ni Jiro.
Naging bahagi si Jiro ng pelikulang “Tanging Ina” na naging dahilan kaya naging close sila Ai Ai na tumayong ikalawang ina niya sa totoong buhay.
Si Ai Ai ang nagmalasakit kay Jiro na maipasok sa rehab matapos itong matagpuan na pagala-gala sa Ninoy Aquino International airport noong 2015.
Nakalabas ito sa rehab noong Enero 2017 pero ibinalik din dahil labis na nag-alala si Ai Ai.
Subalit ngayon ay back to normal na ang buhay ni Jiro.
Tiyak kapag malaman ito ni Ai Ai ay ikatutuwa niya.
Giit nga dating young actor, wala siyang sama ng loob sa kanyang kinikilalang pangalawang ina.