Jimenez, pinalitan para makapag pokus sa disinformation – Garcia

NILINAW ni Commission on Election(Comelec ) Commissioner George Garcia na pinalitan bilang spokeperson ng poll body si dating Spokesman James Jimenez para makapag pokus ito sa paglaban sa dis information sa social media.

“We cannot speculate on the action of the chairman [Saidamen Pangarungan]. But, that is an exercise of his discretion ‘yung pag-a-assign ng spokesperson ),” ani Garcia sa ginanap na pagsira bg mga depektibong balota sa Quezon City.


Nabatid na si Jimenez ay may 15 taon ng spokeperson ng Comelec at siya ay pinalitan ni Director John Rex Laudiangco.

Ito ay matapos nang rekomendasyon ni Commissioner Rey Bulay matapos na makansela ang huling presidential at vice presidential debate.

“Siguro ang nasa isip lang ni chairman, he wants Director James to focus on the information and education ang dami kasing fake news na naglipana na ngayon. Hindi naman pwede na spokesperson ka na nga tapos kakalabanin ‘yung fake news, disinformation, misinformation that we have right now in social media,” dagdag ni Garcia .


Nanatili naman si Jimenez bilang emains director ng Comelec’s Education and Information Department kung saan siya nakatalaga.mula noong 2004.

Samantala, binati naman ni Jimenez si Laudiangco sa kanyang bagong posisyon.


“I heartily congratulate Director John Rex Laudiangco on his designation as Spokesperson of the Commission, and wish him all the best,” ayon kay Jimenez.

Tiniyak rin ni Jimenez na mananatili siyang magsisilbi ng tapat sa kanyang tungkulin sa komisyon. (TSJ)


Tags: Commission on Election(Comelec ) Commissioner George Garcia

You May Also Like