Naturingan pa manding Jesus Nazareth ang pangalan ng isang 26-anyos na lalaki ngunit arestado ito ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa bisa ng arrest warrant, kamakalawa ng umaga sa San Andres Bukid, Maynila.
Ang suspek na si Jesus Nazareth Y Agao , binata , tambay, ng 1926 Dagonoy St., San Andres Bukid, ay naaresto alas-10 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Nasakote nila P/ Major Geuel Capuz , hepe ng Intelligence Section at si P/ Lt .Renato Ramento , hepe ng Station Warrant Section, ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon.Danilo Leyva , Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 175 dahil sa paglabag sa Section 11 Article ll ng Republic Act 9165 na may petsang Hulyo 4, 2022.
Nalaman na si Nazareth ay kasama sa ‘most wanted person’ sa station level at walang piyansang itinakda ang korte para sa pansamantala nitong kalayaan. (Philip Reyes)