Latest News

Jeepney driver, inatake, nakabangga, patay

By: Baby Cuevas

Patay ang isang jeepney driver na hinalang inatake sa puso habang nagmamaneho kaya nakabangga ng isang sasakyan, kamakalawa ng hapon sa may Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Kinilala ni PSSG John Paul Rojo, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Radcliff Lazado, 42 at taga 2111 Simon St. Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon, lumitaw na nangyari ang insidente alas-3:30.ng hapon sa nabanggit na lugar nang mabangga ni Lazado ang sasakyan ni Santiago Frena.

Tinitingnan ni Diosdado Gatdula, 49 at miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau ang nangyaring banggaan para gawan ng report, nang mapuna na hindi gumagalaw si Lazado habang nasa driver’s seat nang puntahan niya ito para tanungin sana.

Hindi na rinumano ito humihinga kaya kaagad na tumawag ang MTPB sa MDRRMO para maisugod sa pagamutan ang biktima.

Ayon sa anak ng biktima na si Vhea , ilang araw na umanong nagreklamo ng pananakit ng ulo si Lazado.

Tags:

You May Also Like

Most Read