Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 10 sa loob ng minamaneho niyang Public Utility Jeepney (PUJ) ang isang Jeepney driver na wanted sa kasong murder kahapon ng hapon sa Sta. Ana, Maynila.
Si Alexic Accad, 32, ng 146 A Osmeña St.Brgy 112,Raxabago,Maynila, a y inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Eduardo Ramon Roldan Reyes na may petsang Oktubre 5,2023.
Alas-2:40 ng hapon nang maaresto si Reyes sa Barangay 866, Zone 95, Sta Ana, Maynila.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Accad.
Nakadetine sa presinto ang suspek habang hinihintay ang commitment order ng korte.














