Latest News

Jeep nahulog sa bangin: Groom, 1 pa patay

PATAY ang dalawang katao kabilang ang groom habang 28 ang sugatan nang mahulog ang sinasakyang jeep sa bangin.

Kinilala ang nasawing groom na si Engineer Allan Roldan at isang 10 gulang na bata na parehong dead-on-arrival sa ospital.

Sa ulat, naganap ang aksidente sa Bayan ng Torrijos sa Marinduque kung saan pauwi na ang mga ito galing sa kasalan.


Ayon kay Police Lieutenant Lily Nicolas, Police Chief ng Torrijos, galing sa Bayan ng Sta. Cruz ang jeep na pauwi na 3:00 ng hapon.

Dito na nawalan ng preno ang jeep at tuloy-tuloy na nahulog sa bangin.

Tags:

You May Also Like

Most Read