JAY RUIZ STILL IN, BOC COMMISSIONER RELIEVED

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINANGGI ni Secretary Jay Ruiz ang lumabas na ulat na pinalitan na siya bilang Communications Secretary at inilipat na sa ibang puwesto.

Nitong Lunes , pinabulaanan ni Sec Ruiz ang ulat na ililipat siya ng ibang ahensiya . Wala pa umano siyang natatangap na official order mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Kinumpirma ng Malacañang na nanatiling acting PCO secretary si Ruiz

“I always serve at the pleasure of the president,” anang kalihim. “Whatever happens I will be forever grateful for the opportunity,” ani Ruiz na kailangan muli i-reappoint ni Pangulong Marcos matapos na ma bypassed bago may adjourn ang 19th Congress.

Kahapon naman ay pormal na pinanumpa ni PBBM si Office of Civil Defense (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno bilang bagong Commissioner ng Bureau of Customs (BOC), kapalit ni Bienvenido Rubio, na nagsilbi ng dalawang taon sa Aduana ayon sa Presidential Communications Office.


Si Nepomuceno ay pinanumpa mismo ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. mismo sa Malacañan Palace.

Bukod sa pagiging OCD chief, si Nepomuceno ay nagsilbi rin bilang executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.


Tags: Secretary Jay Ruiz

You May Also Like