Inihayag ng Department of Justice (DOJ) prosecutors ang pagsasampa ng. kaso laban sa kontrobersiyal na inmate Jad Dera, security officer at limang job order (JO) employee ng National Bureau of Investigation (NBI) ,kaugnay sa mga hindi awtorisadong paglabas sa detention facility.
Nabatid sa DOJ na kabilang sa kakasuhan bukod kay Dera, sina JO personnel Arnel Ganzon, Diana Rose Novelozo, Lee Eric Loreto, King Jeroh Martin, at Pepe Piedad Jr., dahil sa paglabag sa Article 156 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa pag-deliver ng mga bilanggo sa kulungan
Nabatid na kinasuhan rin si Randy Godoy, NBI Security Officer II, ng paglabag sa Article 223 ng Revised Penal Code.
Nabatid sa DOJ na ang kasong kriminal ay isasampa sa Metropolitan Trial Court ng Manila City.
Base sa isinagawang ebalwasyon ng mga ebidensiya,napatunayan ng prosecutors na may sapat na basehan para kasuhan ang mga respondent.
Nabatid na na-establisa ng DOJ na inasistihan nila Godoy, Ganzon, Novelozo, Loreto, Martin, at Piedad si Dera sa paglabas sa kulungan at sina Godoy, Ganzon, Novelozo, Loreto, Martin at Piedad naman ang nagsaayos sa pagtakas ni Dera sa detention facility.
Una nang inaresto si Dera habang kasama nito ang anim na NBI security personnel sa labas ng detention cell habang pabalik na sa NBI detention cell.














