Dumating sa bansa ang Punong Ministro ng Japan na si Prime Minister Fumio Kishida.
Sakay ng Boeing 777-300 na eroplano ng Japan, siya ay sinalubong ng mga opisyal ng pamahalaan at mga kinatawan ng Japan Embassy sa Balagbag Ramp ng NAIA bandang 2:30 p.m. ng Nobyembre 3, 2023.
Binigyan siya ng arrival honors ng honor guards ng AFP at red carpet welcome.
Nauna nang inihayag ng Department of Foreign Affairs ang pagdating sa bansa ni Kishida bilang bahagi ng opisyal na pagbisita sa Pilipinas.
Ang dalawang araw na official visit nito ay katatampukan ng bilateral meeting sa pagitan nito at ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa Malakanyang.
Ito ay para talakayin ang mutual concern, political security, economic development at people-to-people ties.
Magkakaroon din ng pag-uusap ukol sa pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at Japan.
Si Kishida ay sinalubong nina Transportation Secretary Jaime Bautista, Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano at Governor Rodolfo Albano.
Sa panig naman ng Japan Embassy sa Pilipinas ay pinangunahan ito ni Ambassador Kazuhiko Koshikawa ang pagsalubong.