Random Manual Audit para sa midterm polls, sisimulan sa Mayo 14

By: Jantzen Alvin

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na sa Miyerkules, Mayo 14, ang itinakda nilang pagdaraos ng Random Manual Audit (RMA) para sa May 12 midterm elections.
Ayon kay Comelec Education and Information Department (EID) Dir. Abigail Claire Llacuna, na bahagi rin ng technical working group (TWG) para sa RMA, ang RMA sa 762 clustered precincts at online voting posts ay isasagawa sa Citadines Bay City Manila sa Pasay City.


Target umano nilang matapos ang pagdaraos ng RMA sa loob ng 45 araw.

Ang RMA ay isang post-election check na isinasagawa upang beripikahin ang accuracy ng automated results ng halalan, sa pamamagitan nang manu-manong pagbibilang sa mga balota para maikumpara ito sa machine tallies.

Nitong Lunes ay idinaos ng Comelec ang isang electronic raffle upang piliin, randomly, ang mga presinto at overseas post na isasama sa RMA.


Alinsunod sa Resolution 11089, ang bilang ng presinto na isasailalim sa audit sa bawat legislative district ay depende kung gaano karaming clustered precincts ang mayroon ito.

Kabilang naman sa isasailalim sa RMA ay mga boto para sa pagka-senador, party-lists, district representatives at pagka-alkalde.


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sakaling makitaan ng inconsistencies ang resulta ng manual at automated results ay iimbesetigahan ito ng Comelec, na maaaring magresulta sa pagdaraos ng full manual recount sa mga apektadong lugar.


Tags: Comelec Chairman George Garcia

You May Also Like

Most Read