MAY bagong posted picture si Janine Gutierrez sa kanyang IG stories.
Naka-bikini ang aktres na tila init na init habang dito sa Pinas ay walang tigil ang ulan.
Ang kanyang caption: “Euro summer break!!!”
Komento ni Jericho Rosales: “I should have made a weather report earlier on #tvpatrolph”
“Kaya sayang akala ko nga dugtong mo si Sunflower, si kim Chiu lang pala”
Si Echo kasi ang Star Patroller nu’ng time na yun sa TV Patrol.
Ang daming humanga sa pagiging Star Patroller ng actor.
Obserbasyon nila: “Ang galing mo kanina”
Say naman ng netizen: “Nakakasilaw ba kagandahan niya @jerichprosalesofficial”
Si Ruffa Gutierrez ay nagkomento rin sa sexy photo ni Janine.
“Enjoyyyy,” comment niya with three sunflower emojis.
Pamangkin ni Ruffa si Janine.
Kaya komento ng netizen:
“Wow boto kay Mr. Sunflower”
“@janinegutierrez gives you @jetichorosalesofficial sunshine this time hahaha nakikita ko ang clear sky sa inyo eyyyy,” kinikilig na sabi ng isang faney.
“Jusko ko Tyrone (echo sa lavender fields) pauwiin mo na yan…para makapagbagong buhay na kayong dalawa”
Halos lahat ng mga komento ng netizens ay kilig na kilig kina Janine at Echo, na umaming nasa dating stage na.