NAG-REACT si Janine Gutierrez sa pag-amin Jericho Rosales na sila ay nagde-date na “to getting to know each other.”
Tila kinikilig pa ang actress habang ini-interview.
Biro pa niya: “Grabe! Ano pa bang mga kinukwento niya?”
Hindi maitago ng aktres ang pagkabigla nang mabanggit sa kanya na kinumpirma na ni Echo na nagdi-date na sila.
“Sabi?! Sabi?! That’s sweet to hear, and I’m also super excited to be able to work with him,” na may mga ngiti sa labi.
Nang tanungin siya kung kukumpirmahin din ba niya ang kanilang pagdi-date, sagot ng anak ni Lotlot de Leon at Ramonchito Gutierrez: “I guess so.”
“I guess so. Yeah, it’s been fun getting to know him and hanging out with him outside of work,” ang honest nitong sagot.
Nabanggit din ng interviewer na na-meet na ni Echo ang kanyang family.
“Grabe! Ano pa bang mga kinukwento niya?” excited na tanong ng dalaga.