VERY happy si Janella Salvador dahil nakita niya at nakasama ang singer na hinahangaan niya noon pa na si Kitchie Nadal.
Ayon kay Janella, malimit daw niyang pakinggan at kantahin ang songs ni Kitchie.
Kasikatan noong late 1990s hanggang 2000s si Kitchie.
Halos kanyang kanta ay laging naririnig sa airwaves at FM radio.
Pinost ni Janella.ang picture niya sa IG nung maliit pa siya habang kumakanta ang isa sa mga popular songs ni Kitchie.
Sa post ay sinabi ni Janella: “Listening to her cassette tape over and over, singing this song every chance that I get for events and auditions & queuing up for one of her concerts. After 18 years… this little girl finally met @kitchienadal .”
Ang favorite raw niyang kantahin ay “Huwag na Huwag Mong Sasabihin” lalo na sa sinasalihan niyang singing contests.
Na star struck si Janella ng magkita sila ni Kitchie para sa “ASAP Natin ‘To” show sa Milan, Italy.
Magmula nang mag-asawa si Kitchie noonf 2015 kay Carlos Lopez na isang Spanish journalist ay hindi na siya naging active sa kanyang singing career.