Latest News

JANE DE LEON WISH NA MULING MAKATRABAHO SINA JANELLA JOSHUA

By: Beth Gelena

MASAYANG ibinalita ni Jane de Leon na mayroon na siyang susunod na project after ng superhero serye niyang “Darna.”

“Actually after Darna, ang dami ngang nagsasabi na nasaan na raw ako… Inaantay nila ako. Hindi raw ako nagpapakita,” say ni Jane sa isang panayam.

“Una, nag-vacation muna ako, and I did a lot of shoots nga, especially endorsements. And, may mga upcoming projects talaga ako, especially movies. Hindi lang po talaga namin para sabihin sa lahat and gusto namin surprise.

“And, maraming good news naman na dumarating sa’kin after Darna kaya ngayong May actually, ineenjoy ko na ‘yung time ko kasi malapit na mag-start ulit ‘yung projects.”

Dagdag pa niya: “Actually more than one ‘yung movie… So marami talaga kayong aabangan.”

Sa tanong kung makakatrabaho ba ulit niya ulit ang mga naging kasama niya sa Darna na sina Janella Salvador at Joshua Garcia.

“For now, kami nina Janella and Joshua, I think we have our own projects muna after Darna, and sana soon, maybe after, we can do a collab together,” sagot ni Jane.

Pero ang tuloy daw sa ngayon ay ang constant communication nilang tatlo.

Tags:

You May Also Like

Most Read