Latest News

Jane de Leon, nag-deny na gumagamit ng green screen ang ‘Incognito’

By: Beth Gelena

IDINENY ni Jane de Leon na gumagamit ang series nilang Incognito ng green screen.

Sa nasabing series ay ipinakita ng aktres ang kagandahan ng Palawan at tahasan niyang sinabi na wala silang ginagamit na green screen sa kanilang mga eksena.

Say ng aktres, lahat ng mga napapanood ng avid viewers ng Incognito ay pawang totoo lalo na ang kabuuan ng Palawan.


Isa sa cast ng Incognito si Jane kasama sina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Baron Geisler, Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings, and a lot more.

Sa X account ng aktres ay nag-post siya ng eksena with picturesque scenery.


Isang basher ang nagkomento na ginamitan nila ng green screens ang serye.

In her tweet, Jane featured behind-the-scenes photo and video taken during their shoot in Palawan.


“Ganda sa El Nido. Ganda ng location,” ayon sa caption ni Jane.

Ani basher sa comment section: “Hahaha Laro. Debunked na naman mga Gg sa Green screen.”

Isa pang intriguing comment ang nabasa, pero pabor sa aktres kung saan nabanggit ang Kapuso series Widow’s War nina Bea Alonzo at Carla Abellana.

“Nasaan na yung nagsabing green screen ang scene ni Jane? Yan ang proof. Yung proof nung sa Widow’s Warla asan? Hahaha.”

Ang tinutukoy ng netizen ay ang finale episode ng Kapuso series na ginamitan umano ng green screen.

Opppsss, teka lang, napansin lang namin na ang laki ng iginanda ng Kapamilya aktres ngayon.

Hindi namin agad siya nakilala sa nasabing series unlike noong Darna days niya.

Tags: Jane de Leon

You May Also Like

Most Read