Iwaksi ang makasariling interes at gawain ng korapsyon upang matulungang makabangon ang lugmok na sektor ng agrikultura.
Ito ang panalangin ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga opisyal ng pamahalaan para tugunan ang krisis sa suplay ng asukal at bigas sa bansa.
“God our loving Father, we ask help for our sugar farmers, sugar workers and those in the sugar industry, we are facing an unprecedented crisis in the supply of sugar, guide our government officials to make proper decisions, Awaken the consciences of business people not to make life more difficult by corrupt and selfish practices,” ayon sa panalanging ipinadala ni Bishop Pabillo.
Ipinagdarasal umano ng Obispo na magkaroon ng conversion ang mga opisyal ng pamahalaan maging ang mga negosyante at isaalang-alang ang kapakanan ng sugar at rice farmers sa paglikha ng mga desisyon upang maayos ang krisis.
Panalangin din umano ni Bishop Pabillo ang ikabubuti ng mga magsasaka at kanilang pamilya na nararanasan ang ibat-ibang krisis sa pandemya at ekonomiya.
“Help us all to work for the common good. We know Lord that there is enough for all if we set aside selfish motives and practices. Have mercy on our country Lord especially on the poor,” dasal ni Bishop Pabillo.
Pangunahing apektado sa kakulangan ng suplay ng asukal at bigas ang mga ordinaryong magsasaka, mga manufacturers ng food products na gumagamit ng asukal lalu na ang mahihirap na mamamayan.
Sa kasalukuyan, umaasa lamang ang kasalukuyang administrasyon sa importasyon ng agricultural products sa ibang bansa na nababahiran ng katiwalian.
Sa darating na buwan ng Oktubre, darating sa bansa ang imported na 150-libong metriko-toneladang asukal na sinasabing tutugon sa krisis. (Carl Angelo)