Latest News

Ivana namudmod ng pera sa Antipolo Church

By: Gerry Ocampo

Pinuri ng netizens si Ivana Alawi matapos mapanood ang kanyang street prank vlog dahil hindi lang siya nag-prank ng mga tao kundi binigyan pa niya ang mga ito ng tulong.
Sa paligid ng Antipolo Church ay nagpanggap siyang tindera ng sampaguita.
Ang lahat ng bumili or tumulong sa kanya ay binigyan niya rin ng malaking pera bilang pasasalamat sa mga ito.
Bukod dito,  sinabi niyang lahat ng kikitain sa vlog niya ay ido-donate niya sa Antipolo Church.
“Please share this video at kung may makita kayong ads, please don’t  skip kasi lahat po ng kikitain ng vlog na ito ay ido-donate natin sa Antipolo Church,” paliwanag pa mi Ivana.
Kung bakit ang nasabing simbahan ang napili niya ay dahil espesyal  sa kanya ang Antipolo Church na kung saan tinupad daw nito ang kanyang kahilingan.
“Sobrang meaningful  at sobrang special ng church na ito sa akin kasi nu’ng bata ako, siguro mga 14 or 15 years old, nag-alay lakad kaming dalawa ng ate ko. From Sta, Mesa all the way to Antipolo.” kuwento ni Ivana.
Sabi pa niya: ”So, umabot kami ng 8 hours sa paglalakad  kasi hindi namin alam yung daan. Tapos, nagsimula kami ng madaling araw, so wala kaming mga kasabay. Naalala ko, habang naglalakad ako papunta ru’n sa sumbahan na yun ay nagwi-wish ako. May hinihiling talaga ako kay Lord na parang ‘Lord, sana matupad  `tong pangarap ko.”
Alam daw niyang sobrang imposible ng kanyang wish pero aniya: “Kung mangangarap na lang din ako, eh, di taasan ko na. Guys, tinupad ni Lord yung pangarap ko. HIndi ko na ikukuwento kung ano yun pero tinupad Niya.”
Kaya naman sa tuwing magdarasal siya para magpasalamat ay pumupunta raw siya sa simbahan ng Antipolo.
“Marami akong ipinagdadasal  du’n.  Pumupunta ako lagi du’n. Kahit  ito, recently. Pumupunta ako sa Antipolo Church, magsisindi ng kandila, magdarasal, tapos magpapasalamat talaga kasi ewan ko, sobrang malapit talaga ako sa simbahan na yun,” sabi pa ng aktres.
Sa comment section ay dagsa ang papuri ng  netizens sa kabutihan ng puso ni Ivana kaya naman daw lagi itong sinusuwerte sa buhay.
“Napaka-generous  talaga ni Ma’am Ivana. Sana marami pang blessings ang dumating sa`yo  Ma`am Ivana. Ang dami mong natutulungan. God bless po”
“Sobrang nakakatuwang makapanood ng ganito. Good job. Ms Ivana, so pure and kind. The world is healing.“
“Sana, maraming content pa po na ganito, Ms Ivana, napakabuti  n`yo po, napakabuti ng puso n`yo, kaya sobrang blessed po kayo.  Yung blessing ng Itaas ay siksik, liglig at umaapaw, sobra-sobra, kasi napupunta sa mabuti at di po kayo nakakalimot  mag-share sa ibang tao, napaka-humble  at down to earth lagi,” papuri pa nila.
Tags:

You May Also Like

Most Read