INAMIN ng sexy actress at popular vlogger na si Ivana Alawi na makikipag-date at may mga politikong nanliligaw sa kanya sa interview during the thanksgiving party na handog nito para sa press last March 7.
“Marami, eh. Iba-iba. Dedma o kaya pagka-ano, dedma. Date na non-showbiz,” sagot ng aktres sa tanong kung sino ang mga politikong ito.
Sa tanong kung may boyfriend na ang aktres, sinabi niyang wala pa dahil mas priority niya ang pamilya at kanyang showbiz career.
Ayon pa kay Ivana, may type daw niya ang dyowang non-showbiz.
Say niya: “Hindi talaga ako mahilig sa showbiz. Pag showbiz, hindi talaga kami nagwo-work. “Ayoko yung showbiz na nakikita ko nakikipaglaplapan sa iba, hindi ko kaya. Pero ako puwede, ’di ba?”
“Sana maintindihan niya. Kung pipili siya ng showbiz, kaya niya ako. Kasi ako, yung mga kissing scenes, bed scenes, so dapat ready siya. Ako, hindi ako ready sa kanya. Kaya non-showbiz,” paliwanag pa ni Ivana.
Gusto daw ni Ivana na hindi mayabang, saka may puso.
“Yung same heart, gustong tumulong din and all. Kasi ang hirap na pareho kami tapos magkaiba yung ugali namin. Yung ayaw niyang tumulong at saka wala siyang puso para sa mga Pinoy at sa mga kababayan natin,” katwiran niya.