IVANA ALAWI, NAKUHANAN NG 2 LITRONG TUBIG SA BAGA

By: Beth Gelena

IBINAHAGI ni Ivana Alawi ang dahilan kung bakit siya na-ospital kamakailan sa kanyang YouTube Channel.

Aniya: “Feel ko it’s my second life.”

Matatandaang last month ay isinugod din ang Kapamilya aktres sa ospital.


Hindi niya sinabi ang cause kung ano ang kanyang sakit.

Sa recent vlog niya, ay doon niya binigay ang detalye bakit siya na-confine at kung paano niya nalampasan ang sakit na nararamdaman.


Sa kanyang vlog, very emotional ang aktres sa pagpapaliwanag. Nahihirapan umano siyang huminga nang maayos dahil nagkaroon ng maraming tubig ang kanyang tiyan na para umano siyang five months pregnant.

Kuwento niya: “I also got fluid in my stomach na sobrang napuno na siya. Day by day habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat ‘yung fluid sa tiyan ko. Mukha akong five months pregnant. Tapos ‘yung sakit, hindi na ako makahinga.”


“Feeling ko kada hinga ko para akong nalulunod tapos sumisigaw na ako na hindi ko na kaya. I felt like the liquid was already getting to my lungs tapos parang sabi ko ‘butasan niyo na ako’. Kasi guys, ‘di talaga ako nag papabutas kahit saan kasi ayoko, ayokong magkapeklat.”

Nilagyan na raw siya ng tubo sa katawan para ma-drain ang fluids.

Dalawang litrong tubig umano ang nakuha sa kanyang lungs kaya raw pala siya nahihirapang huminga.

Unti-unti naman daw siyang nare-relieve nang tuluyang na-drained out ang fluid at nakahinga na siya nang maayos.

Pag-amin ni Ivana, ang na-experience niyang ‘yun ang isa sa pinakamasakit na nangyari sa kanya na kinonsider niyang her second chance at life.

Advise niya sa kanyang fans at sa netizens na rin: “Kapag may naramdaman kayong sakit — may tinitiis kayong sakit — magpacheck na kayo agad, ‘wag ninyong hintayin lumala. ‘Wag ninyong pigilan ‘yung sakit. The earlier, the better. Siguro kung ‘di ako pumunta ng hospital, feel ko wala na talaga ako. Ganun level. Nagpapunta na lang ako ng hospital nu’ng di ko na talaga kaya.”

Tuluyan na ang paggaling ni Ivana at sadyang may mabuting puso ang dalaga. Aniya, ang kikitain ng kanyang vlog ay ido-donate niya sa hospital para sa mga hindi nakakabayad ng kanilang hospital bills.

Tags: Ivana Alawi

You May Also Like

Most Read