‘It’s Showtime’ sinuspinde ng 12 araw ng MTRCB

NAGPALABAS ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng suspension order laban sa noontime show na ‘It’s Showtime,’ na napapanood sa iba’t ibang media platform at sa GMA Network’s GTV Channel.

May petsang Setyembre 4, 2023, inilabas ng MTRCB ang desisyon ng pagkakasuspinde ng 12 araw ang live airing ng noontime.

Ayon sa MTRCB, maraming viewers umano ang nagsampa ng iba’t ibang reklamo sa kanilang tanggapan kaugnay Hulyo 25, 2023 episode ng noontime show kung saan ang mga host ng programa umano ay “bastos” ang ginawang pagkilos sa “Isip Bata” segment nito.


Dahilan sa magreklamong ito, nagpasyang isangguni ito sa MTRCB Hearing and Adjudication Committee na siyang duminig sa kaso.

Nag-utos din ang naturang komite sa respondent o sa management ng It’s Showtime na magsumite ng kanilang mga position paper ukol sa mga reklamo.


Tags: Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)

You May Also Like

Most Read