Nagbabala si PAOCC Executive Director Sec. Gilbert Cruz sa social media users laban sa love at dating scams.

‘IT’S COMPLICATED,’ MALABO O KAWALAN NG LOVELIFE, WAG NA I-POST, PAYO NI PAOCC CHIEF CRUZ

By: Jerry S. Tan

PINAPAYUHAN ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Secretary Gilbert Cruz ang publiko, partikular na ang mga gumagamit ng social media, na iwasan ang pagpo-post ng kanilang buhay pag-ibig kung ito ay ‘shaky, ‘it’s complicated o kung sila ay wala nito, upang maiwasan din na sila ay maging target ng love scammers.

Sa kanyang pagdalo bilang panauhin sa buwanang MACHRA Balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View Restaurant sa Maynila,, sinabi ni Cruz na batay sa kanilang profiling ay kadalasang mga retired, pensioners at 35-anyos pataas ang nagiging target at biktima
ng nasabing scam.
Aniya, ang pagpo-post na ikaw ay nasa isang kumplikado o magulong relasyon o di kaya ay walang lovelife ay nagsisilbi umanong imbitasyon upang pasukan ng mga taong sangkot sa love scam.


Kasama na umano sa mga bagay na maituturing bilang ‘red flag’ o babala bilang kaduda-duda kung ang taong nakikipag-kaibigan o nagpapakita ng interes ay sobrang gwapo o sobrang ganda o ‘too good to be true’.

Paliwanag ni Cruz, kadalasan ay gumagamit ng litrato o pagkakakilanlan ang mga scammers na hindi naman talaga sa kanila. Nagpapanggap din umano ang mga ito na pareho sila ng interes ng kanilang prospect upang makapagtatag ng relasyon sa bibiktimahin.

Ang mga scammers ay pawang sistematiko umano na gumagamit pa ng psychology at ‘folderized profiles’ ng mga posibleng biktima.


Tags: Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Secretary Gilbert Cruz

You May Also Like

Latest News