Mas mababa sa 5,000 bagong kaso ng COVID-19 kada araw ang posibleng itaas dahil sa Omicron subvariant BQ.1.
Ito ang inihayag sa isang public briefing ni infectious diseases expert Dr. Edsel Salvana, kung saan inaasahan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa deteksiyob ng BQ.1, sublineage ng mas mabagsik na Omicron BA.5 subvariant.
Gayunman, sinabi ni Saldana na karamihan sa mga bagong kaso ay inaasahan na magiging mild lamang kung ang mga mahahawaan ay kumpletong nabakunahan at nakatanggap ng booster shots.
“Sa tingin ko, kung sakali man na magdulot ng mas mataas na number of cases, hindi gaano kalaki. Hindi naman siguro lalampas ‘yan ng 5,000 cases and then karamihan dito ay magiging mild at hindi naman kakailanganing i-ospital,” ayon kay Saldana.
Magugunita na iniulat ng Department of Health (DOH) na may 14 na kaao ng BQ.1 ang na- detect sa pinakahuling genome sequencing ng UP-Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine, at San Lazaro Hospital mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 18.
Ang BQ.1 ay “more transmissible and highly immune evasive” kumpara sa ibang Omicron subvariants.
Gayunman,sinabi ni Saldana, na miyembro ng DOH Technical Advisory Group, na walang ebidensiya na nagpapatunay na ang BQ.1 ay mas mabagsik na subvariant.
“[Ang] BA.5 ang dominant subvariant sa mundo. Nakikita nila na meron na naman itong taglay na additional mutations na maaaring makapag-increase ng kanyang immune escape against infections sa ating mga vaccines, ngunit wala namang ebidensya na mas severe ito,” giit ni Saldana.
Binigyang-diin pa ni Saldana na ang kasalukuyang vaccine sa bansa ay nanatiling epektibo para mapigilan ang malalang sakit dulot ng COVID -19.