Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District -District Special Operation Unit (MPD-DSOU) ang isang Information Technology (IT) employee ng Manila City Hall dahil sa kasong acts of lasciviousness under Section 5(B), R.A. 7610 as amended.
Dakong 9:15 a.m. nang dinakip sa ikatlong palapag ng city hall building kahapon ng umaga sa A. Villegas Street, Ermita, Maynila ang suspek na kinilalang si ‘Mark’ , 31, ng Tondo, Maynila.
Si Mark ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Jacqueline Martin-Balictar ng Manila Regional Trial Court, Branch 9, at may petsang Agosto 5, 2024.
Inirekomenda ng korte ang P200,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na nakatakdang i-turn over sa korte para sa kaukulang disposisyon.














