Patay ang isang 40- anyos na istambay nang patraydor na barilin ng nag-iisang gunman habang nakaupo sa isang tricycle,kamakalawa ng hatinggabi sa Sta.Cruz, Maynila.
Hindi na naisalba ng mga doktor sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Rafel Dizon, ng 2314- C Felix Huertas St.Sta.Cruz, Maynila na nasawi dahil sa tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo.
Inilarawan naman ng Manila Police District-homicide section ang suspek na nakasuot ng.puting long sleeves , facemask , maong shortpants at naka-itim na bullcap.
Napag-alaman kay PSSg Rodolfo Acosta ng MPD-HS na alas-11:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa Felix Huertas Street na sakop ng Barangay 349, Zone 35 sa Sta Cruz.
Inaalam naman ng pulisya kung may kinalaman sa iligal na droga at kung hired killer ang pumaslang sa biktima. (Philip Reyes)














